Tree Planting at Clean-up Drive Activity, aktibong nilahukan ng Force Multipliers sa Negros Occidental

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang tree planting at clean-up drive activity sa Brgy. 1-A, Manapla, Negros Occidental nito lamang ika-24 ng Pebrero 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Manapla MPS sa direktang pangangasiwa ni Police Major Jaynick A Bermudez, Chief of Police katuwang ang Fraternal Order of Eagles Manapla Chapter at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS).

Ang naturang grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng mahigit 200 puno kasabay nito ay paglinis ng basura sa nasabing lugar.

Layunin ng grupo na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran upang maiwasan ang polusyon, gayundin sa pagtatanim ng mga punong kahoy upang maiwasan ang pagguho ng lupa at maibsan ang dulot ng climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *