34th Kalilangan Festival Parade sa General Santos City, idinaos
Masayang idinaos ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong sector ang isinagawang Parada ng Lahi at Wreath Laying Ceremony kaugnay sa pagdiriwang sa ika- 84th Foundation Anniversary at 34th Kalilangan Festival ng General Santos City nito lamang ika-27 ng Pebrero 2023.
Ang programa ay dinaluhan ng mga matataas na pinuno ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang mga kawani ng 20th Sangguniang Panlungsod, Department of Education, Mindanao State University Officials, PNP, BFP, BJMP at mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni General Santos City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao.
Sa isinagawang parada muling ipinakita ng lungsod ang tunay na pagkakaisa sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng mga kultura na kung saan suot-suot ang kanilang nagagandahang Filipiniana, Muslim, Blaan, at T’boli attire.
“Salamat sa inyong lahat sa inyong pagdalo. Sana ay patuloy tayong magkaisa at magtulungan sa pagpapalaganap ng kabutihan at pagpapalawak ng kultura ng ating lungsod. Tayo’y magkaisa sa isang gobyernong malinis, pag-unlad ay mabilis. Maraming salamat po at Magandang Gensan,” ani Mayor Geronimo-Pacquiao.