Community Outreach Program at Medical Mission isinagawa sa Pasay City

Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program at Medical Mission sa tulong ng mga tauhan ng Local Government Unit na ginanap sa CKHAI Balagbag, Barangay 201 sa Pasay City nito lamang Sabado, Pebrero 25, 2023.

Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga miyembro ng LGU at kapulisan mula sa District Community Affairs and Development Division (DCADD) sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Kirby John B Kraft, District Director ng SPD.

May kabuuang 100 na indibidwal ang nakinabang sa libreng serbisyo tulad ng libreng gupit, BP monitoring, blood sugar testing, at nakakain ng mainit na lugaw. Kasabay din nito ay ang pagtalakay ng Drug Awareness at Crime Prevention sa mga dumalo sa nasabing programa.

Naglalayon ang programang ito na maipaabot sa mamamayan ang mga serbisyong publiko lalo na sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *