Barangay Health Center nagsagawa ng Immunization Vaccine sa Davao City

Nagsagawa ng immunization vaccine ang mga kawani ng Barangay Health Center (BHC) katuwang ang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 15 sa Brgy. Los Amigos, Tugbok District Davao City nito lamang Pebrero 27, 2023.

Mapayapang naisagawa ang immunization vaccine sa pangunguna ni Ron Peter Ceniza, assigned nurse sa tulong ng Barangay Health Workers at ng R-PSB sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Jerry F Mangana, Team Leader na nagbigay seguridad sa mga residente sa nasabing aktibidad.

Malaking tulong ang bakunang ito na mas mapalakas ang pangangatawan ng mga bata at hindi kapitan ng mga malulubha at nakamamatay na sakit.

Layunin ng aktibidad na maipakita ang walang-sawang suporta ng gobyerno na ang kapakanan ng komunidad ang pangunahing prayoridad katuwang ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *