Faith-Based Group, nakilahok sa Feeding Program Activity sa Aklan

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng faith-based group sa isinagawang feeding program sa Sitio Tinuongan Brgy. Rizal, Ibajay, Aklan nito lamang ika-26 ng Pebrero 2023.

Ang naturang programa ay inisyatiba ni Ginang Evelyn Encavo katuwang ang mga miyembro ng Lighthouse of Faith Church, 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company, Ibajay MPS at Brgy. Officials ng nasabing lugar.

Labis ang tuwa at saya ng mga bata sa handog na pagkain ng grupo sa naturang aktibidad.

Layunin ng naturang grupo na matulungan ang ating mga kababayan na maibsan ang kanilang gutom lalong lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *