Coastal Clean-up Drive, aktibong nilahukan ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa Negros Oriental

Siaton Negros Oriental – Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Giligaon, Siaton Negros Oriental nito lamang Pebrero 28, 2023.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Siaton Police Station sa pangunguna ni Police Major Ricky H Dacotdacot, Chief of Police katuwang ang Barangay Officials na pinamumunuan ni Barangay Captain Lilian Gomez, BHW, SK Chairman Nestor Supat, Brgy. Tanods, ACS (Adventist Community Service), Recon Sarge7, Elite Smash Riders, Tau Gamma Phi, Eagle Force Multipliers at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Sa naturang aktibidad ay nakakalap ang mga ito ng sako-sakong basura kagaya ng plastic, styrofoams, lampin, tasa at mga bote.

Ang pagsusumikap ng mga naturang grupo ay nagpapakita ng pagkakaisa ng kapulisan at mamamayan sa pagpapanatili at pagbibigay ng malasakit sa ating kapaligiran upang ipabatid sa publiko kung paano pahalagahan ng ating pamahalaan ang baybaying dagat sa pamamagitan ng pagbawas ng basura at pagtapon sa tamang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *