Clean-up Drive nilahukan ng Task Force Flood Control sa Taguig City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Task Force Flood Control ang isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Chavez St., Central Bicutan, Taguig City nito lamang umaga ng Martes, Pebrero 28, 2023.

Pinangunahan ni Mrs. Rosienie Tagente, ang coordinator ng grupo katuwang ang tauhan ng 6th Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.

Sama-samang nilinis ng grupo ang mga kanal at kinolekta ang mga basurang nakabara sa daanan ng tubig upang di pamugaran ng mga insektong may dala-dalang sakit.

Layunin ng grupo na ipakita sa komunidad ang kahalagahan ng paglilinis ng ating kapaligiran upang hindi maging sanhi ng mga kalamidad sa hinaharap at makaiwas ng sa mga sakit dulot ng mga insekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *