KKDAT Amulung Chapter, aktibong nakiisa sa Tree Planting Activity

Aktibong nakiisa ng mga myembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo- Amulung Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Magogod, Amulung Cagayan noong ika-1 ng Marso 2023.

Masiglang nakilahok ang mga residente at barangay officials katuwang ang mga tauhan ng Amulung Police Station sa pangunguna ni Police Major Tristan John F Zambale.

Umabot sa 100 mahogany seedlings ang naitanim sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa I Love Cagayan Rivder Movement ng Cagayan Provincial Government at alinsunod sa Clean and Green: CPPO Dream na inisyatibo ng Cagayan PPO.

Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan. Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.

Source: Amulung Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *