Brigada Pagbasa nilahukan ng mga KKDAT sa Parañaque City

Tumulong at aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Brigada Pagbasa sa Dr. Arcadio Santos National High School, Parañaque City nito lamang Sabado, Marso 4, 2023.

Pinangunahan ito ng mga estudyante ng paaralan katuwang ang mga kapulisan mula sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.

Layunin nitong bigyan ng dagdag kaalaman ang mga estudyante at hikayatin na makiisa laban sa ilegal na droga at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *