Faith-Based Advocacy Group at Force Multipliers, nakilahok sa Community Outreach Program sa Aklan

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Group at Force Multipliers sa community outreach program na ginanap sa Talangban Primary School, Madalag, Aklan nito lamang ika-4 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Madalag Municipal Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Anne B Contreras, katuwang ang mga miyembro ng Madalag Riders Community Club (MRCC), Faith-Based Advocacy Group at mga guro ng nasabing lugar.

Bakas sa mga mukha ng mga mag-aaral ang saya at tuwa sa binahagi ng mga naturang grupo na libreng pagkain at gift packs para sa kanila.

Layunin ng naturang grupo na matulungan at mapasaya ang kanilang nasasakupan kahit sa kaunting tulong na kanilang binahagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *