Serbisyong Totoo Caravan, umarangkada sa Kidapawan City

Umarangkada sa pamamahagi ng tulong ang Lokal na Pamahalan ng Kidapawan sa isinagawang Serbisyong Totoo Caravan sa Brgy. Marbel, Kidapawan City nito lamang ika-3 ng Marso, 2023.

Pinangunahan ito ni Honorable Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police at mga Force Multipliers na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad.

Mahigit 300 na residente ang naging benepisyaryo na napamahagian ng mga food packs, vegetable seeds at fruit trees pati na rin ang pregnancy kits para sa mga kababaihan.

Taos-puso naman ang pasasalamat na ipinaabot ni Honorable Jeffray S. Balaoro sa isang pambihirang aktibidad na ginanap sa kanyang barangay kung saan naramdaman ng mga mamamayan ang paglapit ng serbisyo ng pamahalaan sa tao.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na mabigyan ng tulong ang mga kababayan natin na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *