Barangay Nutrition Council nagsagawa ng Feeding Program

Nagsagawa ng Feeding Program ang mga miyembro ng Barangay Nutrition Council na ginanap sa Purok 8 at Purok 9 ng Barangay Barobo, Valencia City, Bukidnon nito lamang Marso 4, 2023.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Valencia City Cluster 3 na pinangunahan ni Police Master Sergeant Marlon Ocer sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office.

Layunin nito na mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga kabataan ng nasabing lugar at nagbigay naman ng seguridad ang kapulisan upang maidaos ng maayos ang aktibidad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *