Validation of Social Pension Program isinagawa ng MSWDO sa Davao De Oro
Nagsagawa ng Validation of Social Pension Program ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kasama ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Tagugpo sa Purok Centro, Barangay Tagugpo, Pantukan, Davao De Oro nito lamng Marso 3, 2023.
Matiwasay na naisagawa ng mga kawani ng MSWDO ang naturang programa para sa Indigent Senior Citizens (ISC) sa tulong ng R-PSB sa pangunguna ni Police Master Sergeant Russel Bedico, Team Leader.
Ang naturang programa ay naaayon sa R.A. 9994 o ang “Expanded Senior Citizens Act of 2010” na nagpapatibay sa panlipunang proteksyon ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang tulong ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng Social Pension para sa ISC kung saan ang mga potensyal na senior citizens benefactor ay validated at dapat na may karapatan sa buwanang stipend na nagkakahalaga ng Php500.00.
Lubos namang nagpapasalamat ang ISC sa MSWDO sa paghahatid ng tulong pinansyal gayundin ang kanilang pasasalamat sa PNP sa pamamagitan ng R-PSB na tumulong at nagbigay seguridad habang isinasagawa ang nasabing programa.
Layunin ng aktibidad na maihatid ang nararapat na serbisyo sa mga benepisyaryo upang pandagdag at kanilang magamit sa pang araw-araw at naglalayong palakasin ang ugnayan ng mamamayan at ng pamahalaan.