Serbisyo Caravan isinagawa ng Sarangani LGU

Nagsagawa ng Serbisyo Caravan ang Lokal na Pamahalaan ng Sarangani Province sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa Barangay Amsipit, Maasim, Sarangani Province nito lamang ika-2 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Sarangani LGU katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Health, Sarangani PNP, Maasim Defenders Eagles Club at iba pang mga Advocacy Support Groups.

Namahagi ang grupo ng mga foodpacks, libreng gamot, libreng tsinelas, mga serbisyong pang kalusugan gaya ng libreng check-up, mga school supplies at laruan.

Lubos na nagpapasalamat ang mga residente sa natanggap na serbisyo hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Sarangani Province.

Nakatuon ang nasabing programa sa pagbuo ng mas matibay at magandang ugnayan ng pamahalaan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *