KKDAT Virac Chapter, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Virac, Catanduanes

Virac, Catanduanes- Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) Virac Chapter sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa Barangay Talisoy, Virac, Catanduanes nito lamang ika-6 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Philippine Coastguard/Auxilliary, katuwang ang Virac PNP ,BFP, LGU Virac Maritime at Bantay Dagat.

Nagtulong tulong ang bawat isa sa paglilinis at pagpupulot ng mga basura sa dalampasigan upang mapangalagaan ang mga yamang dagat. .

Ang pagsusumikap ng ibat-ibang sangay ng gobyerno, kapulisan at ang naturang grupo ay nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa ating kapaligiran upang maiwasan ang pagkasira nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *