KKDAT Siaton Chapter, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Siaton Chapter sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Siaton Negros Oriental nito lamang ika-5 ng Marso 5, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Siaton Municipal Police Station kasama ang mga opisyales ng nabanggit na barangay sa pangunguna ni Brgy. Captain Mercy Narvas.

Nagtulong-tulong na nilinis at pinulot ng grupo ang mga nakakalat na iba’t ibang klase ng basura sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na isulong ang mga programa na may kaugnayan sa pagbibigay proteksyon at konserbasyon sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakapit-bisig ng publiko katuwang ang mga kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *