Tree Planting Activity nilahukan ng KKDAT at BPAT’s sa Caloocan City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) at ng Barangay Peace Action Team (BPAT) ang isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa Sherterville Village, Brgy 171, Bagumbong, Caloocan City nito lamang Martes, Marso 7, 2023.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng 4th Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB- NCRPO.

Mahigit 50 na Mahogany Tree ang naitanim ng grupo sa naturang barangay.

Hinihikayat ng grupo na isulong ang kamalayan ng bawat isa sa magandang maidudulot ng pagtatanim ng puno na syang nakatutulong upang magkaroon ng sariwang hangin at maiwasan ang pagbaha sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *