Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Salcedo Ilocos Sur

Pinangunahan ng mga miyembro ng Force Multipliers, Barangay Based at iba pang Advocacy Support Group ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Poblacion Norte, Salcedo, Ilocos Sur nito lamang ika-12 ng Marso 2023.

Katuwang ng iba’t ibang grupo ang Salcedo Municipal Police Station na pinangungunahan ni Police Captain Jumar V Castro, Officer-in-Charge at ang Bureau of Fire Protection.

Layunin ng aktibidad na patuloy na himukin ang mamamayan na makiisa sa mga aktibidad ng pamahalaan na naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasanan at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran tungo sa isang maayos at masaganang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *