Faith Based Leaders, nagsagawa ng KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting sa Tiwi, Albay

Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) ang Faith Based Leaders sa Barangay Cararayan, Tiwi, Albay nito lamang ika-10 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Joven Sarate, Faith Based Group Leader, na nagbahagi ng mga salita ng Diyos sa mga opisyales ng naturang barangay.

Samantala, tinalakay ng Tiwi PNP ang patungkol sa Drug Awareness, Disaster Preparedness, Gender & Development, Safe Spaces Act, RA 7610, NTF ELCAC, Crime Prevention at Public Safety ng kanilang bayan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat kaalaman ang ating mga kababayan at maging sandigan ng simbahan at kapulisan sa pagkakaroon ng tahimik at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *