Feeding Activity, isinagawa ng Force Multipliers sa Sibonga, Cebu

Naging matagumpay ang isinagawang Feeding Activity ng mga miyembro ng Force Multipliers sa Barangay Cansantic, Sibonga, Cebu noong Marso 12, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng New Guardians Upper Ana Bulas, katuwang ang mga tauhan ng Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa pangangasiwa ni Police Captain Jade Asiong Basingao, Company Commander.

Umabot sa 100 na benepisyaryo ang nahandugan ng mainit na lugaw at tinapay.

Laking tuwa ng mga naging benepisyaryo ng nasabing barangay sa inisyatibo ng mga miyembro ng force multipliers at kapulisan sapagkat hindi lang tiyan ang kanilang binusog kung hindi pati ang puso’t isipan ng bawat mamamayan na naging bahagi ng aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *