Force Multipliers nakiisa sa Tree Planting Activity sa Brgy. Batadman Samar

Basey, Samar – Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Catadman, Basey, Samar noong Martes ika-14 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Arnaldo Pader, Punong Barangay ng Catadman katuwang ang mga tauhan ng 124SAC 12SAB PNPSAF sa pangunguna ni PLt Beverly B Awis sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Jefrey G Pascual, Company Commander kasama ang KKDAT, BPATs, BHW at mga barangay officials sa nasabing lugar.

Bunga ng pagtutulungan ng grupo, kanilang naitanim ang mahigit 70 na pirasong Toog seedlings sa lugar.

Layunin ng aktibidad na ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno, ipahayag ang pagmamahal sa kalikasan at gayun din sa paghihikayat sa kanilang kabarangay na makilahok sa ganitong uri ng aktibidad para malabanan ang climate change, maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *