Force Multipliers, nakiisa sa Mangrove Planting Activity sa Negros Occidental
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang Mangrove planting activity na ginanap sa EB Magalona, Negros Occidental nito lamang ika-14 ng Marso 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Environment and Natural Resources Office, katuwang ang 605th Maneuver Company, RMFB 6 na nilahukan ng Pasil Wowen’s Association, Pasil Fisherfolks Association ng EB Magalona, KKDAT, Barangay Health Workers at Bgry. Official’s ng nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng kapaligiran gayundin ay maiibsan ang epekto na dulot ng climate change sa bansa.