Faith Based nakiisa sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN sa San Simon, Pampanga

Nagkaisa ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan o KASIMBAYANAN sa isinagawang Revitalized PNP KASIMBAYANAN sa San Simon Elementary School, Barangay San Jose, San Simon, Pampanga nito lamang Martes, ika-14 ng Marso 2023.

Nilahukan ito ng mga tauhan ng San Simon PNP, Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 katuwang si Pastor Daniel Duenas, mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Nagkaroon ng Spiritual Upliftment at pagbibigay kaalaman patungkol sa mga batas at mga dapat gawin upang maiwasan maging biktima ng anumang krimen.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *