KASIMBAYANAN Program and Barangay Visitation isinagawa ng Faith-Based Advocacy Support Group
Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Program and Barangay Visitation ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Support Group na ginanap sa Barangay Hall ng Pasadena, San Juan City nito lamang Martes, Marso 14, 2023.
Pinangunahan ito nila Pastor Rodolfo Rona, Chairman at Pastora Sature, Vice Chairman mula sa Association ng Pastor for Outreach and Intercession katuwang ang mga tauhan ng SCADS, Sub-Station 4 sa pangunguna ni Police Captain Mauro A Paguyo, SS4 Commander.
Nagkaroon ng maiksing talakayan at kamustahan sa mga tauhan at opisyales ng mga barangay mula sa Brgy. Corazon de Jesus, Brgy. Kabayanan, Brgy. Batis, Brgy. Pedro Cruz, Brgy. San Perfecto, at Brgy. Kanlurang Crame.
Naglalayon ang aktibidad na ito bilang tulay sa pagitan ng pulisya at komunidad maging isang mamamayang sumusunod sa batas at may takot sa Diyos sa tulong ng mga organisasyong nakabantay sa pananampalataya.