KKDAT Bangued Chapter nakilahok sa Zumba for a Cause
Masayang nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Bangued Chapter sa isinagawang 2nd Zumba for a Cause ni Aleng Pulis sa Abra Police Provincial Office Grandstand, Camp Villamor, Calaba, Bangued, Abra, nito lamang ika-18 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Abra Police Provincial Office katuwang ang Local Government Unit, Academe, KKDAT Bangued Chapter at iba pang stakeholders.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month na dinaluhan ng humigit kumulang na 430 katao.
Ang nalikom na pondo sa nasabing aktibidad ay ibibigay sa mga Person With Disabilities (PWD) at sa mga nangangailangan ng tulong sa kanilang komunidad.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang pagkakaroon ng malusog na kalusugan at pangangatawan sa pamamagitan ng zumba, at himukin ang mamamayan na magkaisa at magtulungan para sa mga taong lubos na nangangailangan.