“Withdrawal of Support”, Isinagawa sa Rodriguez, Rizal

Maayos na naisakatuparan ang “withdrawal of support” na pinangasiwaan ng 80th IB 21D, Philippine Army sa Rodriguez, Rizal nito lamang Marso 12, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Evangelista ng Rodriguez, Rizal sa pakikipagtulungan ng AFP at PNP, mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng DILG, TESDA, LTO, at iba pang LGU Officers.

Kabilang rin sa mga dumalo ang pinuno ng KILUSAN na si G. Peter “Ka Ramon” Mutuc at Kagawad ng SAMBAYANAN na si Ka Lolit De Jesus, dating miyembro ng CTG na tumuligsa at binawi ang kanilang suporta sa CTG.

Isa sa mga kaganapan ay ang pagbibigay ng talumpati nina G. Mutuc at Ms. De Jesus patungkol sa “Pagwawasto ng Kasaysayan”.

Samantala, may mga ulat na tinangka umano ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na guluhin ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtitipon ng isang grupo ng mga indibidwal, ngunit ang partido ni Manuel ay hindi pinansin at pinaglaanan ng oras ng mga dumalo sa aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *