Community Outreach Program, Isinagawa ng mga Faith-Based Group sa Lapu-Lapu City

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Faith-Based Group sa mga residente ng Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City nito lamang Marso 17, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nina Pastor Joseph Ilango at Pastora Aida Amora katuwang ang mga tauhan ng Lapu-Lapu City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Wayne Magbanua, Chief, CCADU .

Namahagi ang grupo ng solar lamp at mga food packs na naglalaman ng bigas, tinapay, mga noodles at mga delata sa tinatayang 100 na residente na lumahok sa aktibidad.
Dahil sa pagtutulungan ng ating pamayanan at pulisya mas lalong napadama ang tunay na malasakit sa ating kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *