KKDAT-Conner nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Connner Chapter sa isinagawang Clean-up Drive sa LGU Ground Caglayan, Conner, Apayao nito lamang Marso 18, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Conner Municipal Police Station kasama ang KKDAT-Conner, mga Force Multiplers mula sa Community Riders Club, at mga miyembro ng religious sector na pinangunahan ni Pastor Elpidio Dangiwan Jr. mula sa Northern Luzon Presbyterian Church.

Ang nasabing grupo ay nagtulungtulong sa pagpulot at paglilinis sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapangalagaan ang ating kalikasan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *