KKDAT nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Mountain Province

Nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Otucan Norte, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-18 araw ng Marso 2023.

Pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga opisyal at mga tanod ng naturang barangay.

Ang mga nasabing grupo ay nakapagtanim ng tinatayang 75 na similya ng kape, bayabas at pine trees.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa PNP Core Values na Maka-kalikasan. Layon ng aktibidad na ipabatid ang pagmamahal sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *