KKDAT Sulat Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Eastern Samar

Eastern Samar – Nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity ang mga miyembro ng KKDAT Sulat Chapter sa Sulat Central Elementary School, Sulat Eastern Samar noong Marso 20, 2023.

Pinangunahan ng mga kabataan ang nasabing aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Sulat Municipal Police Station kasama ang mga guro at mga mag-aaral ng nabanggit na paaralan.

Nakapagtanim ang grupo ng 20 na punla ng iba’t ibang klase ng puno.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pangalagaan ang kalikasan upang mabawasan ang mga masamang epekto ng pagbabago ng klima.

Ang patuloy at matagumpay na pagsasakatuparan ng aktibidad ay bahagi ng mga hakbangin ng grupo upang ipakita ang malasakit sa kalikasan para sa kapakanan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *