Advocacy Support Group, nagsagawa ng Zumba Activity sa Luna, La Union

Nagsagawa ng Zumba Activity ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Baluarte, Barangay Victoria, Luna, La Union nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Marso 2023.

Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ay ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Based, Bureau of Fire Protection, katuwang ang Luna Police Station na pinamumunuan ni Police Major Gerardo G Macaraeg Jr., Officer-In-Charge.

Ang pagsasayaw ay nakakatulong para maging malakas at malusog ang pangangatawan para maiwasan ang anumang karamdaman.

Samantala, patuloy naman ang Advocacy Support Group sa paghihikayat sa mga kabataan na makiisa sa mga aktibidad para mahasa ang kanilang kakayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *