100 BPATs sa Sagbayan Bohol, sumailalim sa training
Sumailalim sa pagsasanay ang 100 na mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Municipal Function Hall, Sagbayan Bohol nito lamang Marso 29, 2023.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sagbayan Police Station sa pangunguna ni Police Captain Eric Betaizar Binangbang, Chief of Police, katuwang ang LGU Sagbayan sa pangunguna nina Hon. Restituto Q. Suarez lll, Municipal Mayor at Ms. Glenda Laude, MLGOO at KASIMBAYANAN Faithbased Volunteers.
Itinuro sa aktibidad ang iba’t ibang paksa tulad ng Traffic Laws at Arrest and Handcuffing Techniques kung saan nagkaroon demonstrasyon at pagsasanay sa tamang pamamaraan ng pag-aresto, tamang traffic hand signals at pati rin ang basic self defense. Nagkaroon din ng talakayan ukol sa pagtugon sa sakuna at kalamidad.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BPATs sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang katuwang ng Pambansang Pulisya at LGU sa mga tuntunin ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at pag-iwas sa krimen sa komunidad.