Coastal Clean-up Drive, Isinagawa ng KKDAT sa Agoo, La Union

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa dalampasigan ng Brgy. San Julian West, Agoo, La Union, nito lamang ika-29 ng Marso 2023.

Katuwang ng KKDAT ang mga barangay officials ng Brgy. San Julian West, BHW, mga 4Ps members, mga parent leaders, barangay-based group at kataguyod ang 2nd La Union PMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Angelo J. Camuyot, Force Commander.

Layunin ng aktibidad na pigilan ang lumalalang polusyon sa tubig na nakakasira ng kalikasan na siyang nakakatulong sa mga mangingisda.

Samantala, patuloy naman ang iba’t ibang organisasyon at ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga aktibidad na nagnanais na ibalik ang ganda at sigla ating kalikasan.

Source: 2nd La Union PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *