Force Multipliers, nakiisa sa pagtatanim ng 300 Mangrove Seedlings

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Mangrove Tree Planting sa Brgy. Talaga, Argao, Cebu nito lamang ng Linggo, Abril 2, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Technical Support Company ng RMFB7 sa pangunguna ni Police Captain Jade Asiong Basingao, Company Commander katuwang ang Barangay Officials, New Guardians Upper Ana Bulasa at Argao Chapter.

Tinatayang nasa 300 na mangrove seedlings ang matagumpay na naitanim ng mga lumahok sa naturang aktibidad.

Patuloy na makikiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa mga programa na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan upang ipabatid na kaisa sila ng kapulisan sa pagtataguyod ng kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *