KKDAT nakilahok sa BIDA Fun Run at Zumba ng DILG
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) mula sa iba’t ibang probinsiya ng Rehiyon Dos sa BIDA Fun Run ng DILG na ginanap sa lungsod ng Cauayan at Zumba naman sa Isabela State University Cauayan Campus, Brgy.San Fermin, Cauayan City noong ika-1 ng Abril 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni DILG Secretary Atty. Benhur
Abalos Jr. katuwang si PLtGen Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration at si PBGen Percival A Rumbaoa, PRO2 Regional Director. Dinaluhan at nilahukan din ito ng PRO2 Command Group, Regional Staff, mga Provincial at City Director, Chiefs of Police ng bawat himpilan ng lalawigan ng Isabela, BFP, BJMP at pati na rin ang Forensic Unit ng naturang siyudad.
Layunin ng aktibidad na mamulat ang mga kabataan sa tunay na pagkakaisa upang sama-samang isakatuparan ang implementasyon sa BIDA program. Sa pamamagitan nito, madaling maisulong ang naturang programa sapagkat ang pagkakaisa ang daan upang mapagtagumpayan ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.
Source: Isabela PPO, PIO