KKDAT San Juan Chapter, Nagsagawa ng Feeding Program

San Juan City — Nagsagawa ng feeding program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) ng San Juan Chapter sa mga kabataan at residente ng Brgy. Perfecto; at Isla, Brgy. Batis, San Juan City nito lamang Sabado, Abril 1, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng SCADS ng San Juan City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Acting Chief of Police ng naturang istasyon.

May kabuuang 200 na residente ng barangay ang naging benepisyaryo sa nasabing programa.

Ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng bawat indibidwal sa lugar para makapaghatid ng magandang serbisyong pampubliko at mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *