NARIAG Group at LGBTQIA+, nakiisa sa Pinasayang Caravan ng Quirino

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Anti Narcotics International Assistance Group (NARIAG) na accredited NGO kasama ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Cabarrouguis Chapter sa Pinasayang Caravan na ginanap sa Brgy. Del Pilar, Cabarroguis, Quirino nito lamang Abril 3, 2023

Ang nasabing caravan ay pinangunahan ni Gov. Dakila Carlo “Dax” Cua na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya para isagawa ang mga programang hatid ng Provincial Local Government Unit.

Nakapagbigay naman ng serbisyong libreng gupit sa humigit 100 na kababayan ang NARIAG sa pangunguna ni Mr. Eugine Collado, President ng NARIAG Quirino kasama ang grupo ng LGBTQIA+ kung saan kinilala din ng probinsya ang kanilang mga natatanging gawa bilang mga volunteer.

Pinasalamatan naman ng lokal na pamahalaan ang mga grupo hindi lamang sa mga adbokasiya kundi dahil din sa malaking tulong nito lalo na sa pagsisimula pa lamang ng proyekto.

Samantala, kaiisa din ang mga nasabing grupo sa pagpapatupad ng kaayusan sa probinsya bilang mga Force multipliers kasama ang PNP para sa pagpapanatili ng katahamikan ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *