LGU Dipaculao, Nakiisa sa LIGTAS SUMVAC at Semana Santa 2023

Nakiisa ang Local Government Unit ng Dipaculao sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa panahon ng Semana Santa at Summer Vacation sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora nito lamang ika-5 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Ricky J Rabor, Officer-in-Charge.

Naglagay ng mga Police Assistance Desk (PADs) at nagbantay sa kung ano mang insidente na maaaring mangyari sa naturang lugar.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng LGU at PNP upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng pamayanan lalong lalo na ngayong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *