Project SUKRAN, Isinagawa sa Sultan Kudarat.

Nakiisa ang miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Project SUKRAN (Sama-samang tUmulong Kaugnay sa RAmadaN) sa Masjid Faisal Alpa, Purok Waya Waya, Barangay San Emmanuel ,Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang Abril 5, 2023.

Matagumpay na nailunsad ang programa bunga ng patuloy na pagtutulungan ng mga miyembro ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company.

Namigay ang grupo ng mainit at masustansyang pagkain ang sa mahigit 100 na kapatid na Muslim.

Layunin ng programa na ipakita ang pakikiisa ng mamamayan sa pagdiriwang ng banal na buwan at isa sa pinakamahalagang selebrasyon ng mga Muslim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *