Clean-up Drive, Isinagawa sa Malaybalay City, Bukidnon

Nagtulong-tulong ang mga residente ng Barangay Busdi at Revitalized Pulis sa Barangay Bukidnon sa paglilinis sa Barangay Busdi, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Abril 5, 2023.

Lumahok sa aktibidad si Police Staff Sergeant Ervin A Genayas, R-PSB Cadre ng Cabanglasan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office.

Mahigit 10 na sako ng basura ang nakolekta sa naturang aktibidad.

Layunin nito na mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng lugar at mahikayat na rin ang mamamayan na gawing luntian ang kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *