Community Outreach Program, Nilahukan ng Advocacy Support Groups sa Mandaluyong City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups ang isinagawang Community Outreach Program sa Mandaluyong City nito lamang Abril 9, 2023.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Mandaluyong City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Chief of Police.

Namahagi na rin ang grupo ng mainit na sopas at lugaw sa mga miyembro ng Advocacy Support Group ng JODA kabilang na rito ang mga street sweepers ng lungsod.

Ang aktibidad na ito ay lumilikha ng isang magandang pakikipagtulungan sa komunidad at PNP ngayong Araw ng Kagitingan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *