Youth Development Session, Matagumpay na naisagawa sa Benguet
Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Youth Development Session (YDS) sa Poblacion, Sablan, Benguet nito lamang ika 3-5 ng Abril 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 15- Technical Support Company (TSC) kung saan humigit kumulang 36 na mga kabataan mula sa Saint Louis School of Sablan Inc. ang nakilahok sa naturang programa.
Tinalakay at nagbigay kaalaman ang nasabing grupo patungkol sa Self-Development, Mental Health Awareness, Substance Abuse Prevention, Anti-Terrorism Campaign ng PNP at Basic Life Support na itinuro naman ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection – Sablan.
Bukod pa rito ay naisagawa rin ang iba’t ibang activities tulad ng banner making, yell making, at iba pang mga team building activities.
Ang YDS ay isang programa ng DSWD sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ipinatutupad sa pakikipagtulungan ng Police Regional Office Cordillera at Department of Education (DepEd).
Ito ay naglalayong hubugin at paalalahanan ang mga kabataan upang maging responsable sa kanilang pamilya, paaralan at komunidad.