ELCAC Seminar, nilahukan ng Advocacy Support Groups sa Maynila
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups ang isinagawang
ELCAC Seminar na ginanap sa Brgy. Hall, Brgy. 835, Zone 91, Pandacan, Manila nito lamang Lunes, Abril 10, 2023.
Ang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section ng istasyon ng barangay.
Nakapaloob sa naturang seminar ang pagtalakay ng mga paksang Knowing Your Enemy/Orientation for Parents on the Youth and Student Recruitment by the CPP/NDF/NPA) na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay BADAC, BPOC at Women Advocacy Support Groups.
Naglalayon ang programa magbigay ng sapat na kaalaman sa mga mamamayan sa masasamang gawain ng mapanlinlang na makakaliwang grupo. Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat ng tao katuwang ang PNP na ikondena ang terorismo ay makakamit ang maunlad na lipunan at matiwasay na pamumuhay.