Coastal Clean-Up Drive, isinagawa sa Cabangan, Zambales

Nagkaisa ang mga residente at PNP sa isinagawang Coastal Clean-Up sa Cabangan, Zambales nito lamang Martes, ika-11 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Cabangan PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Anthony A Soria, Officer-In-Charge.

Nagtulungan ang naturang grupo sa pamumulot ng mga plastik na nakakalat sa dalampasigan.

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na panatilihin ang kalinisan at iwasang magtapon ng mga basura sa ilog at dagat upang maiwasan ang polusyon sa karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *