KKDAT-Hingyon, Nakiisa sa Isinagawang Mural Painting at Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabatan Kontra Droga at Terorismo Hingyon Chapter sa isinagawang Mural Painting at Outreach Program sa Barangay Ubuag, Hingyon, Ifugao nito lamang Abril 07-08, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Hingyon Municipal Police Station kasama ang KKDAT-Hingyon, Ubuag Youth at mga residente ng naturang lugar.

Ang nasabing grupo ay sama-samang nagpinta sa pader ng Ubuag Elementary school. Ang ipinta ay may mensahe sa mga mag-aaral ng Ubuag ES na umiwas sa droga pagka’t ito ay nakakasira ng buhay at ikondena ang terorismo pagka’t ito ay nakakasira ng kinabukasan. Namahagi din ang grupo ng mga sapatos at mga damit. Nagturo naman ang Hingyon PNP patungkol sa Drug Awareness at nagsagawa din libreng gupit sa mga residente.

Ang aktibidad ay naglalayong matulungan ang mga kababayan sa simpleng paraan at pagtibayin ang samahan ng bawat isa. Nais din ng grupo na hikayatin ang mga ibang kabataan na lumahok sa mga aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *