Stakeholders, nakiisa sa Clean-up Drive sa Caloocan City

Masiglang nakiisa ang mga miyembro ng Guardians Valiant Intelligent Organization Inc. sa isinagawang Clean-Up Drive na ginanap sa Barangay 171, Caloocan City nitong Abril 4, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang 5th Mobile Force Company sa direktang pangangasiwa ni Police Major Mark Ronan B Balmaceda, Company Commander.

Layunin ng grupo na iparating sa mamamayan ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran para maiwasan ang anumang uri ng sakit dala ng maruming kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *