Mga Estudyante sumailalim sa Project R.E.A.D.Y at ELCAC Lecture sa Mandaluyong City

Madaluyong City – Sumailalim sa Project R.E.A.D.Y at ELCAC Lecture na kaugnay ng BIDA Program ang mga mag-aaral mula sa Ilaya Barangka Integrated School sa Mandaluyong City nito lamang Miyerkules, Abril 12, 2023.

Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section kasama ang Substation 5 personnel sa ilalim ng pamunuan ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Chief of Police ng Mandaluyong City Police Station.

Nakapaloob sa talakayan ang Module 3 Learning the Moral Values and Building Self-Esteem at ang lecture sa ELCAC na nilahukan ng mga estudyante ng Grade 11 at 12 ng nasabing paaralan.

Layunin ng mga programang ito na maprotektahan ang mga kabataan mula sa masasamang epekto ng mga mapanganib na ilegal na droga at ng makakaliwang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *