Faith Based Volunteers, nakiisa sa isinagawang Outreach Program sa Apayao

Nakiisa ang mga Faith Based Volunteers sa isinagawang Outreach Program sa Barangay Balasi, Flora, Apayao nito lamang ika-13 ng Abril 2023.

Kasama sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Flora Municipal Police Station, mga OJT students ng F. L Vargas College, mga BPATs, Barangay Officials at mga guro ng Balasi Elementary School.

Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng grupo ng lectures hinggil sa Anti-Bullying, Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness. Namigay din nag grupo ng pagkain l sa mga mag-aaral at mga kalahok.

Ang aktibidad ay sumusuporta sa PNP KASIMBAYANAN at EO 70 o ang Whole-of-Nation Approach to End Local Communist Armed Conflict.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *