Tree Planting Activity isinagawa sa Cabangan, Zambales

Nagkaisa ang Lingkod Bayan Advocacy Support Group at PNP sa pagtatanim ng mga puno sa Barangay Lomboy, Cabangan, Zambales nito lamang Huwebes, ika-13 ng Abril 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Cabangan PNP, Regional Finance Service 3, Zambales PNP at mga opisyal ng nasabing barangay.

Nagtulungan ang grupo sa pagtatanim ng mga mangrove seedlings na siyang magsisilbing tirahan ng mga isda.

Hinihikayat ng grupo ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagtatanim ng mga puno upang mapanatili ang yabong at kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *