Clean-Up Drive activity, isinagawa ng KaligKasan members sa Burgos, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang Kaligtasan at Kalikasan members sa Brgy. Poblacion Norte, Burgos, Ilocos Sur nito lamang ika-14 ng Abril 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang mga miyembro ng Barangay Based Advocacy Group, BTODA members, at Burgos PNP na pinapangunahan ni Police Captain Melvin G. Trinidad, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga residente ng Burgos na makiisa at sumuporta sa mga proyekto at aktibidad na naglalayong linisin ang kanilang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha sa maruming paligid.

Samantala, patuloy naman ang mamamayan at mga grupo sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan mapapanatili nila ang kalinisan at kagandahan ng kanilang lugar.

Source: Burgos Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *